Makakaranas ng mainit at maalinsangang panahon ang bahagi ng Luzon, maliban nalang sa mga tiyansa ng pag-ulan sa hapon hanggang sa gabi dala ng localized thunderstorm.
Ayon kay DOST-PAGASA Weather Forecaster Daniel James Villamil, asahan na magiging generally fair weather condition ang Visayas pero posibleng ulanin na may kasamang pagkulog at pagkidlat sa hapon hanggang sa gabi.
Mababa naman ang tiyansa ng pag-ulan sa bahagi ng Mindanao pero maaaring makaranas ng pag-ulan sa hapon hanggang sa gabi kabilang na diyan ang Cagayan De Oro, Zamboanga at Davao region.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 26 hanggang 33 degrees celsius habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:26 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:20 ng hapon.