Tiniyak ni Act Teachers Party-List Representative France Castro na makakatanggap ng 2,000 pesos na karagdagang honoraria ang lahat ng mga gurong nag-overtime sa nagdaang eleksyon.
Sa panayam ng DWIZ, sinabi ni Castro na nakausap niya si COMELEC Commissioner Marlon Casquejo kung saan, sinabi nitona mayroon nang budget para dito at isinasapinal na ng COMELEC ang listahan.
Mababatid na inaprubahan ng poll body ang nasabing additional honorarium para sa mga miyembro ng Electoral Board, Department Of Education Supervisor Officials at Support Staff na nagtrabaho ng lampas sa oras.
Sinabi ni Castro na maliit ang nasabing dagdag-honoraria, kaya’t kanilang ihihirit ang additional service credits.