Patuloy na gagampanan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang kanyang mandato sa bayan hanggang sa huling araw niya sa palasyo.
Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesman, PCOO Secretary Martin Andanar sa gitna ng nalalabing araw sa pwesto ni Pangulong Duterte.
Sa Hunyo 30 ay opisyal na magtatapos ang termino ni pangulo at papalitan siya ni President-Elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Ayon kay Andanar, anuman ang mga naka-schedule sa kalendaryo ni Pangulong Rodrigo Duterte ay tiyak na pagbubuhusan pa rin ito ng oras ng punong ehekutibo.
Kabilang aniya rito ang mga dapat kaharapin na mga tao at mga official event o mga pagtitipon.
Samantala, tiniyak din ni Andanar na lahat ng mga dokumento o batas na kailangang lagdaan ng presidente ay kanyang pipirmahan.