May paalala ang Department of Education (DEPED) kaugnay sa pagdaraos ng limited in-person graduation at End-of-School-Year (ESOY rites).
Ayon sa DEPED, dapat na gawing simple at marangal ang gagawing mga aktibidad na may kaugnayan dito.
Sinabi ni DEPED Undersecretary for Curriculum and Instruction Diosdado San Antonio na gawing mataimtim at hindi magarbo ang mga isasagawang seremonya gaya ng pagdaraos ng graduation at EOSY rites bago pa man ang pandemya.
Batay sa Memorandum No. 43 series of 2022, pinapahintulutang magsagawa ng limitadong face-to-face EOSY rites at graduation ceremonies ang mga paaralan at iba pang community learning centers na nasa ilalim ng alert level 1 at 2.