Nananatiling stable ang suplay ng patatas sa Cordillera Administrative Region (CAR).
Ito, ang tiniyak ni Department of Agriculture-Car Regional Director Dr. Cameron Odsey, sa panayam ng DWIZ, sa gitna ng global shortage sa patatas na ginagamit sa paggawa ng fast food fries.
Wala aniyang naging pagbabago sa suplay nito kung ikukumpara sa nakalipas na taon.
Sinabi pa ni Odsey na imported ang mga patatas na ginagamit sa fast food restaurants sa bansa.