Itutuloy ni President elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang kaniyang ipinangako sa taumbayan noong kampanya na babaan ang presyo o halaga ng bigas sa bansa.
Nabatid na ibababa ni Marcos sa 20 pesos ang presyo sa kada kilo ng bigas sa pamamagitan ng pagtatakda ng price cap at pagbuo sa value chain.
Ayon kay Marcos, magiging hakbang ng kaniyang administrasyon ay ang pagpapanatili ng presyo sa ilang buwan ang mga bigas.
Sa ngayon, patuloy pang nakikipag-usap si Marcos sa mga trader upang i-hold ng ilang buwan ang presyo ng bigas sa Pilipinas.