Isang araw matapos iproklama bilang nanalong presidential candidate sa May 9 Elections, inilabas na ni Incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang partial list ng kanyang economic team.
Kabilang sa nadagdag sina Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno na itinalagang Finance Secretary at dating University the Philippines President Alfred Pascual bilang Trade and Industry Secretary.
Una nang napili ni Marcos si dating Philippine Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan na pamunuan muli ang National Economic and Development Authority.
Itatalaga rin ni BBM si SMC Tollways President and Chief Executive Officer Manuel “Manny” Bonoan bilang Public Works and Highways Secretary.
Tiwala si Marcos na sina Diokno, Pascual at Balisacan ang pinaka-mainam na mga italaga bilang economic managers ng bansa lalo’t mahalaga ang economic team sa pagbangon muli ng bansa mula sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Prayoridad anya ng kanyang administrasyon ang ekonomiya kaya’t pinili niya nang maigi ang mga itinalagang economic manager.