Walong aso ang nareskyu ng mga otoridad sa umano’y ‘dog meat trade’ sa Pandi, Bulacan.
Dalawang indibidwal ang naaresto sa ikinasang operasyon ng pulisya at animal kingdom foundation, makaraang maaktuhan ang gagawin sanang pagbebenta ng karne ng aso.
Nabatid na ang dalawang nadakip ay ang namamahala rin sa pagkatay ng mga ito.
Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa animal welfare act of 1998.