Isang mabuting desisyon ang ginawa ni president-elect Bongbong Marcos Jr. sa pagpili kay Alfredo “Fred” Pascual bilang incoming secretary ng Department of Trade and Industry (DTI).
Ito ang inihayag ni Presidential Adviser for Entrepreneurship Joey Concepcion sa kanyang pagsuporta sa micro, small and medium enterprises.
Aniya, sa ilalim ng pamamalakad ni Pascual ay tiyak na maipapagpatuloy nito ang mga programa at polisiya na makatutulong at susuporta sa MSMEs lalo na’t nakarerekober na ang ekonomiya ng bansa mula sa pandemya.
Samantala, sinabi ni Concepcion na ang mga nakaraang gawain ni Pascual at ang kanyang passion sa MSMEs ay makatutulong sa kanya na maging mahusay na DTI chief, lalo na pagdating sa maliliit na negosyo.