Muling hinikayat ng Department of Health (DOH) ang mga magulang at mag-aaral kaugnay sa pagdalo sa face-to-face classes.
Ayon sa DepEd, mas ‘healthier’ ang face-to-face classes sa bansa kumpara noong bahagyang mataas ang COVID-19 cases.
Habang makatutulong din anila ang in-person attendance para ma-develop ang cognitive, social skills at maging ang physical at mental health ng mga kabataan.
Tiniyak naman ng DOH sa mga magulang na ligtas ang kanilang mga anak laban sa pagkahawa sa COVID-19, dahil nabakunahan at mayroon nang booster shot ang lahat ng nasa paaralan.