Inaprubahan na ng Toll Regulatory Board (TRB) ang toll fee increase sa Subic Clark Tarlac Expressway o SCTEX na epektibo sa June 1.
Ayon sa pamunuan ng North Luzon Expressway Corporation o NLEX, 78 centavos per kilometer ang idadagdag sa toll fee ng mga motorista na dadaan sa SCTEX.
Sa ilalim ng bagong toll matrix, sisingilin ng karagdagang 31 pesos ang mga motoristang may class 1 na sasakyan na bumibyahe sa pagitan ng Mabalacat City patungong Tarlac.
Magbabayad naman ng karagdagang 61 pesos ang may mga class 2 na sasakyan habang 92 pesos ang may class 3 na sasakyan.
Samantala, karagdagang 49 pesos, 98 pesos at 147 pesos naman ang sisingilin sa mga motorista na may sasakyan na class 1, 2 at 3 na bumibyahe sa pagitan ng Mabalacat City at tipo, Hermosa, bataan kung saan ito ay malapit sa Subic freeport.