Tiwala ang Department of Information and Communications Technology (DICT) na tututukan din ng Administrasyon ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. ang digital transformation ng bansa.
Ayon kay DICT acting Sec. Emmanuel Caintic, suportado ng departamento ang mga plano ng susunod na administrasyon.
Kasama na rito ang pagpapaganda sa digital infrastructure ng bansa.
Sinabi naman ng DICT official na tuloy-tuloy lamang sila sa pagganap ng tungkulin na bigyan ng mabilis, episyente at maayos na serbisyo ang mga Pilipino.
Sa ngayon, hinihintay na lang ang desisyon ni BBM kung sino ang itatalaga nitong bagong secretary ng DICT.