Aminado ang Department of Health (DOH) na limitado pa rin ang suplay ng bakuna kontra monkeypox sa buong mundo.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, maging sa Estados Unidos ay kakaunti ang suplay ng bakuna na nakareserba lamang para sa kanilang mga sundalo.
Sa kasalukuyan, wala pang inilalabas na Emergency Use Authorization (EUA) para sa antiviral drugs kontra monkeypox.
Iginiit naman ng kalihim na mahalaga pa rin ang paghihigpit sa mga borders at patuloy na pagsunod sa health public standards laban sa pagkahawa sa sakit.
Una nang ikinabahala ng World Health Organization ang pagkalat ng nasabing virus at sinabing nasa ‘peak of iceberg’ pa lamang ang naitatalang kaso.