Tama lamang na panatilihin sa ilalim ng Alert Level 1 status ang Metro Manila
Ayon kay Health reform advocate at dating special adviser ng National Task Force (NTF) against Covid-19 Dr. Anthony Leachon, pabor siya sa desisyon ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases’ (IATF) na huwag nang ibaba pa ang umiiral na restriksyon.
Aniya, may posibilidad kasi na magkaroon ng panibagong COVID-19 surge sakaling magluwag pa dahil na rin sa mga pagpasok ng ilang mga subvariant sa bansa.
Bagama’t napanatili aniyang mababa ang mga kaso ng COVID-19 kahit na may omicron surge hindi pa rin daw dapat makampante ang publiko at pamahalaan.
Pero maaari na raw magluwag ng restriksyon ang gobyerno kung mapapataas pa ang bilang ng mga Pilipinong makatatanggap ng booster shot kontra COVID-19.