Pararangalan ng Philippine Olympic Committee (POC) ang mga Filipino athlete medalist sa katatapos lamang na 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.
Kasama rin sa agenda ang paglalabas ng financial incentives sa medalists sa pagpupulong na gaganapin sa Knights Templar hotel sa Tagaytay City.
Ayon kay POC president representative Abraham Tolentino, i-we-welcome din nito ang samahang kickboxing ng Pilipinas at Philippine Esports Organization bilang miyembro ng organisasyon.
Matatandaang nag-uwi ng 52 gold medals, 70 silver medals at 105 bronze medals ang Filipino athletes sa bansa sa naturang aktibidad.