Magiging maulap pa rin ang kalangitan sa bahagi ng Luzon, partikular na sa bahagi ng Palawan, bunsod ng Southwest monsoon o Hanging habagat.
Magiging maaliwalas naman ang panahon sa iba pang bahagi ng Luzon kaya’t asahan ang mainit na panahon sa umaga hanggang tanghali pero malaki ang tiyansa ng pag-ulan sa hapon hanggang sa gabi.
Ayon sa PAGASA, makakaranas din ng maaliwalas na panahon ang malaking bahagi ng Visayas dahil wala pang direktang epekto ang Low Pressure Area (LPA) maging ang Hanging habagat sa bansa.
Asahan naman ang maulap na kalangitan sa bahagi ng Mindanao kabilang na diyan ang Caraga, Davao Region at SOCCSKSARGEN dahil sa epekto ng LPA na binabantayan sa silangang bahagi ng Mindanao.
Maaliwalas na panahon naman sa Western Mindanao maliban nalang sa mga isolated rain showers and thunderstorm sa hapon hanggang sa gabi.
Agwat ng temperatura sa Metro Manila ay maglalaro sa 25°C hanggang 32°C habang sisikat naman ang haring araw mamayang 5:26 ng umaga at lulubog naman ito mamayang 6:21 ng hapon.