Naging emosyonal si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nang kaniyang i-abot ang resolusyon ng Kongreso na nagpapatunay o nagpoproklama sa kaniya bilang Ika-17 Pangulo ng Pilipinas.
Ayon kay Marcos, nagulat siya nang maka-akyat ang kaniyang ina sa platform ng Batasan Complex noong araw ng proklamasyon, Mayo a-25.
Sa video vlog ni Marcos, sinabi niya na isasakay na sana sa wheelchair ang kaniyang ina pero pinilit nitong makapaglakad nang nakangiti papunta sa kaniya.
Natuwa naman si BBM nang banggitin ng dating first lady na mayroon siyang dalawang pangulo.
Matatandaang nanungkulan bilang Pangulo ang yumaong ama ni BBM na si dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. mula noong 1965 hanggang sa mapatalsik ito noong 1986
Samantala, nakatakda namang umupo sina President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte-Carpio sa June 30, 2022.