Iniimbestigahan na ng mga otoridad ang pamamaril sa isang Barangay chairman sa Malabon City.
Kinilala ni Malabon Police, Chief Colonel Albert Barot ang biktimang si Felimon Villanueva ng Barangay Tonsuya, 68 anyos.
Binaril si Villanueva ng hindi pa nakikilalang lalaki sa labas mismo ng kaniyang bahay noong Sabado.
Isinugod pa sana ito sa ospital pero nasawi rin kinalaunan.
Nagpaabot naman ng pakikiramay sa pamilya ng biktima si Malabon City Mayor Lenlen Oreta.