Walang oversupply ng carrots sa bansa.
Ito ang nilinaw ng Department of Agriculture (DA) matapos na mag-viral noong nakarang linggo ang isang larawan ng magsasakang nagbebenta ng bagsak-presyo ng ani niyang gulay sa bayan ng Benguet.
Binigyang diin ni DA-Cordillera Administrative Region (CAR) Director Cameron Odsey na may mga nabenta nang carrots ang magsasaka maliban sa mga nakita sa kaniyang larawan.
Naging problema aniya nito ang mga carrots na hindi naibenta makalipas ang dalawang araw dahil kailangang muli ang truck para makakuha ng produkto.
Pero sa loob lamang ng isang oras nang mai-post sa Facebook ang kaniyang paninda ay naubos agad ito.
Samantala, kumpyansa si Odsey na hindi magkakaroon ng problema sa produksyon ng gulay sa kabila ng banta ng food shortage sa bansa.