Nasawi ang 27 sibilyan matapos i-massacre ng mga miyembro ng rebeldeng grupo sa Democratic Republic ng Congo.
Ayon kay Anthony Mualushayi, tagapagsalita ng Congo Army, nakarinig na lamang sila ng sunod-sunod na putok ng baril na nanggagaling sa Beu Manyama.
Agad naman nilang pinuntahan ang lugar pero hindi na nakaabot matapos magkalat ang mga bangkay na pinatay pa sa pamamagitan ng machete.
Ang grupong Allied Democratic Forces (ADF) ang inakusahang may kagagawan sa pagpatay.
Agad namang sinundan ng Congo Army ang grupo dahilan para maaresto ang pitong miyembro ng ADF.