Nasagip na ang 31 katao habang patuloy na pinaghahanap ng mga otoridad ang 11 pang indibidwal na nawawala matapos lumubog ang isang ferry sa Indonesia.
Ayon sa mga otoridad, naubusan ng gasolina ang KM Ladang Pertiwi na sinabayan ng masamang panahon dahilan upang lumbog ang naturang ferry.
Nabatid na nag-deploy ang mga rescuer ng helicopter at pinalawig ang lugar ng paghahanap sa 20 nautical miles mula sa kung saan lumubog ang bangka sa paghahanap para sa mga nawawala.
Samantala, bagama’t mayroon pa ring mga patuloy na pinaghahanap ay ipinabatid ng mga otoridad na wala pa namang naitala na nasaktan.