Muling isinusuong ng Ibon Foundation ang pagpapatupad ng “billionaire tax” sa bansa.
Layon ng ipinapanukalang bagong buwis ng Department of Finance (DOF) na mabayaran ang utang ng Pilipinas na lumobo na sa 12.68 trillion pesos nitong marso sa pamamagitan ng pagbubuwis sa mayayaman.
Mababatid na ang wealth tax ay matagal na ring ipinapatupad sa ibang mga bansa gaya ng France, Switzerland, Germany, Latin Amerika at sa 30 ibang mga bansa sa buong mundo.
Samantala, sa ilalim ng billionaire tax na una nang inihain sa kongreso noong September 2021 bilang House Bill no. 10253 o “Super Rich Tax Act of 2021” bubuwisan ng 1% ang mga indibidwal na may yamang higit 1 billion pesos; 2% kung 2 billion pesos at 3% naman kung 3 billion pesos pataas.