Inihayag ni Defense spokesperson Director Arseño Andolong na malayo na ang narating ng kakayahan ng Pilipinas sa pagbibigay ng proteksiyon at pagpapatrolya sa West Philippine Sea (WPS) sa ilalim ng Administrasyong Duterte.
Ito ay bunsod ng modernisasyon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na tinutukan ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Nabatid na marami ng military equipment ang naibigay sa AFP at marami na rin ang panukala na naisabatas sa ilalim ng Duterte Administration.
Bukod pa dito, bumilis din ang operation time ng sandatahang lakas ng Pilipinas maging ang surveillance at monitoring hanggang sa pagresponde sa mga naitatalang insidente dahil sa nagpapatuloy na AFP Modernization Program ng pamahalaan.