Nagpaabot ng pagbati ang mga kaibigan at kaalyado ni Vice President-elect Sara Duterte-Carpio para sa kanyang ika-44 na kaarawan.
Kabilang sa unang bumati kay Inday Sara ay ang kanyang running mate sa 2022 National Elections na si President-elect Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Sa isang Facebook post, tinawag ni Marcos na best running mate at BFF o “Best Friend Forever” si Duterte-Carpio.
Binati rin ni House Speaker Lord Allan Velasco ang presidential daughter, at inilarawan ito bilang isang ‘great role model’ at inspirasyon sa lahat ng mga Pilipino.
Nag-post naman ng isang tiktok video si Atty. Larry Gadon, kung saan binati nito ng ‘happy birthday’ si Mayor Sara habang tumutugtog ng gitara.