Nagpapatuloy ang Anti-Dengue campaign ng health department kasunod ng naitalang pagtaas ng kaso ng dengue sa ilang bahagi ng bansa.
Sa Negros Occidental, naitala ang 511 na kaso ng dengue at lima ang nasawi ngayong taon.
Tumaas ng 200% ang bilang ng dengue cases sa lalawigan kumpara sa kaparehong panahon noong nakaraang taon na may 174 na kaso.
Ayon sa DOH, karamihan ng mga naitalang kaso ng dengue ay mula sa Zamboanga Peninsula, Central Visayas, at Central Luzon.
Mas mababa ng 6% ang bilang ng dengue cases sa bansa kumpara sa kaparehong panahon noong isang taon.
Gayunman, mula March 20 hanggang April 30 ay nakapagtala ang ahensya ng 94% na pagtaas ng kaso kumpara sa kaparehong panahon noong 2021.