Mahigpit na binabantayan ng Department of Health (DOH) ang tatlong rehiyon na nakitaan ng pagtaas ng kaso ng dengue.
Batay sa inilabas na datos ng DOH, nakapagtala ng 6, 622 na dengue cases mula April 10 hanggang May 7, 2022.
Karamihan sa mga ito ay mula sa Region 9 o Zamboanga Peninsula na nasa 908 cases na sinundan ng Region 7 o Central Visayas na may 881 cases at ang Region 3 o Central Luzon 593.
Habang 19 na ang nasawi sa dengue sa Zamboanga City kung saan nagdeklara ng outbreak at labing isa naman sa Cebu City.
Dagdag ng kagawaran na nakita nito ang pagtaas sa kaso ng dengue simula katapusan ng marso.
Nabatid na mula March 20 hanggang April 30 ay nasa 11, 435 dengue cases na ang naitala na 94% na mas mataas kumpara sa mga kasong naitala sa kaparehong panahon nuong 2021.