Posibleng maglaro sa 5% hanggang 5.8% ang inflation rate sa Pilipinas ngayong Mayo.
Ayon kay Bangko Sentral ng Pilipinas Governor Benjamin Diokno, mas mabilis ito kumpara sa 4.9% na naitala nitong Abril na siyang pinakamataas simula December 2018.
Ang pagbilis ng pagtaas ng presyo ng langis, bilihin at paghina ng piso ang nakikitang dahilan ni diokno sa pagbilis ng inflation.
Ngayong Hunyo, pumalo sa 25 basis point ang key policy rate ng bansa.