Sumang-ayon ang European Union na i-ban ang 75% nang pag-exportng langis ng Russia mula sa 27 bansa.
Ayon kay Charles Michel, Presidente ng European Council, parte ito ng bagong sanction na ipinataw sa Moscow dahil sa pagpapahirap sa Ukraine.
Sakop din ng sanction package ang de-swifting sa pinakamalaking bangko ng Russia, pagbabawal sa tatlong russian state-owned broadcasters at pagpaparusa sa mga indibidwal na gumawa ng krimen sa giyera.
Ngayong Miyerkules, sisimulan ng EU ang pag-endorse ng mga bagong sanction.