Lalong pinaigting ang ipinatutupad na seguridad sa pagdaraos ng Asia Pacific Economic Cooperation (APEC) leaders summit sa harap ng naganap na terror attack sa Paris, France.
Sinabi sa DWIZ ni Philippine National Police Spokesman Pol. Chief Supt. Wilben Mayor na naka-full alert na ang PNP at may koordinasyon na sila sa Armed Forces of the Philippines .
Layon aniya nito na mahadlangan o mapigilan ang ano ang banta sa pagdaraos ng APEC summit.
Sinabi ni Mayor na wala silang natatanggap na ano mang intelligence report ng pagbabanta sa mga world leaders na dadalo sa APEC.
Gayonman, hindi aniya sila magiging kampante dahil kailangang maging handa sa lahat ng oras.
By: Aileen Taliping (patrol 23)