Umabot na sa mahigit 18M pasahero ang naserbisyuhan na ng Metro Rail Transilt Line 3 (MRT 3) na libreng sakay program mula nang March 28, 2022.
Sinabi ng pamunuan ng MRT 3 na may kabuuang 8,472,637 pasahero ang naka-avail ng libreng sakay sa unang buwan ng programa, mula March 28 hanggang April 30.
Habang nasa 9 million 596 thousand 886 naman mula 1 hanggang katapusan ng Mayo na siyang huling araw ng unang extension ng programa.
Asahan pa raw na tataas pa ang bilang na ito dahil muli pang pinalawig ang libreng sakay sa ikatlong pagkakataon hanggang sa katapusan ng hunyo.