Inihayag ni Commission on Elections (COMELEC) Chairman Saidamen Pangarungan, ang naging desisyon ng Commission on Appointment (CA) na hindi aksiyonan ang kanilang ad interim appointment.
Ito ay sa kabila ng pag-bypass dahil sa kakulangan ng quorum sa gitna ng pagsasara ng 18th congress.
Nabatid na ipinagmalaki ni Pangarungan ang naging tagumpay ng 2022 national and local elections dahil nabigyan ng karapatan ang mga Pilipino na makaboto kung saan, umabot sa 83.07% ang voter turnout.
Matatandaang inihayag ng ahensya na naging mapayapa ang nagdaang botohan dahil sa mabilis na pagbibilang ng mga boto maging ng proklamasyon.
Naniniwala si Pangarungan na sa naging tagumpay ng halalan, maaari sana siyang makumpirma ng CA hinggil sa ad interim appointment kung nagkaroon lamang ng quorum bago nagsara ang 18th congress.
Ang ad interim appointment ay ginagawa kapag nagkaroon ng recess o “period of time” sa kongreso hinggil sa gampanin ng mga tungkulin at kapangyarigan ng posisyon.
Sa kabila nito, nagpasalamat si Pangarungan sa mga tauhan ng kanilang ahensya na tumulong para maging matagumpay ang 2022 elections.