Ideklara ni outgoing Senate President Vicente “Tito” Sotto III ang sine die adjournment ng sesyon o pagtatapos ng sesyon ng 18th congress.
Nabatid na bago nag adjourn sine die, nagkaroon ng valedictory speech sina SP Tito Sotto, Senate Pres Pro Tempore Ralph Recto at Minority Leader Franklin Drilon.
Sa nasabing speech, nanawagan si Sotto sa papasok na 19th congress na panatiliin ang integridad at independence ng senado.
Hiniling din ni Sotto na huwag payagang mabahiran ng politika ang serbisyo sa taumbayan at ingatan ang respetong ibinibigay ng bawat Pilipino sa senado.
Samantala naging emosyonal si Senator Ronald Bato Dela Rosa ng lapitan at yakapin si Senator Drilon matapos ang valedictory speech nito dahil na-appreciate nito ang tulong ni Drilon sa kanya para mas magampanan ang kanyang trabaho bilang bagitong senador noon. - sa ulat ni Cely Ortega-Bueno (Patrol 19)