Kinasuhan na ng Philippine Coast Guard (PCG) ang apat na crew ng cargo vessel na MV Happy Hiro matapos ang maritime incident sa Palawan.
Kinilala ang mga opisyal ng cargo vessel na sina Captain Meshay Amir, na isang Croatian; second mate Bogdan George, na isang Romanian; officers Tyrone Albina Maquiling at Mckinley Panuncialman Amante, na kapwa Filipino.
Kasong reckless imprudence resulting in multiple homicide; multiple injuries at damage to properties ang isinampa laban sa mga nabanggit na crew sa Antique Prosecutor’s Office.
Ayon kay PCG Commandant, Admiral Artemio Abu, hindi muna papayagang makaalis ng bansa ang nasabing bansa at maaaring makulong ang apat sa sandaling magdesisyon ang korte.
Pitong mangingisda mula sa 20 sakay ng FB JOT-18 ang nawawala matapos makabanggaan ang Happy Miro noong Sabado.
Hindi pa itinuturing na patay ang pito lalo’t nagpapatuloy pa anya ang search and retrieval operations.
Samantala, napatunayan ding nagkaroon ng paglabag sa panig ng FB JOT-18 at maaaring magmultahin base sa enforcement inspection apprehension report ng PCG Station Antique sa nasabing fishing vessel.