Dismayado si Interior Undersecretary Jonathan Malaya sa kabiguan ng Facebook (FB) na alisin o i-block ang mga E-sabong pages sa platform nito.
Ito’y sa kabila ng isinumiteng request ng Department of the Interior and Local Government (DILG) sa Facebook na nananawagang alisin na ang mga nasabing pages.
Lumalabas anya na “accessory to a crime” ang naturang social media giant sa hindi nito pag-block sa mga online cockfighting page at maituturing na konsintedor ng mga iligal na aktibidad sa Pilipinas.
Nababahala naman si malaya lalo’t ang FB ay isang business entity sa Pilipinas at kailangan silang tumalima sa mga batas sa bansa.
Magugunitang ipinag-utos ni Pangulong Rodrigo Duterte na ipatigil na ang operasyon ng online talpakan dahil sa pagdami ng mga nalulong sa nasabing sugal.