Niratipikahan na ng kamara ang Bicameral Committee Report na magtatatag ng Philippine Transportation Safety Board (PTSB).
Ito ang magiging independent agency na pangunahing mandato ay mag-imbestiga ng mga transportation accidents.
Sa plenary session, inaprubahan ng mababang kapulungan ng kongreso ang final version na nag-re-reconcile sa magkaibang mga probisyon ng House Bill 9030 at Senate Bill 1077.
Alinsunod sa nasabing panukala, ang PTSB ang may hurisdiksyon sa lahat ng major o fatal transportation accidents o anumang malalaking aksidente na magkaroon ng malaking pinsala.
Inaatasan din ang ahensya na bumalangkas ng transportation safety standards na na-aayon sa international safety standards at irekomenda ang pagpapatupad nito sa lahat ng sektor ng transportasyon.