Naglabas ng memorandum ang Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) kaugnay sa mga tauhan nito na gumagamit ng mga hindi rehistradong sasakyan na walang plaka.
Ayon kay MMDA Chairman Atty. Romando Artes, nakasaad sa memo, pinaalalahanan ang mga tauhan ng MMDA sa kanilang mga tungkulin sa publiko, lalo na ang mga traffic enforcer na naatasang hulihin ang mga motoristang gumagawa ng mga paglabag sa trapiko.
Binigyang diin naman ni Artes na dapat ay ang mga mmda personnel ang manguna sa pagiging mabuting halimbawa sa pamamagitan ng papatupad ng batas trapiko at hindi manguna sa pag-labag sa mga traffic enforcers na nanghuhuli sa mga lumalabag dito.