Dead on arrival ang bunsong anak ni Ilocos Norte 1st District Rep. Rodolfo Fariñas matapos sumalpok sa isang concrete barrier sa National Highway sa Barangay Buyon, Loag city ang sinasakyan nitong motor kaninang madaling araw.
Kinilala ang biktima na si Jr Fariñas, 20 anyos, bunsong anak ni Cong Fariñas sa dating beauty queen na si Maria Teresa Carlson.
Batay sa inisyal na impormasyon, tumilapon ang biktima dahil sa lakas ng pagkakabangga at nasunog pa umano ang motor nito.
Sa Instagram post naman ng kapatid ng biktima na si ilocos Norte board member ria Fariñas, inihayag nito ang kanyang pagmamahal sa kapatid.
By: Jonatahan Andal