Nananatiling sapat ang suplay ng harina sa bansa sa kabila ng mataas na presyo ng tinapay bunsod ng price increase sa raw materials o sangkap.
Tiniyak ni Philippine Association of Flour Millers (PAFMIL) Executive Director Ricardo Pinca, na mayroong 90 araw o tatlong buwang supply ng harina ang bansa.
Gayunman, tumaas anya ang presyo ng asukal, mantika, supot ng tinapay maging ang pang-delivery dahil sa oil price hike.
Naapektuhan din ng giyera ang suplay ng trigo mula Ukraine at Russia kung saan nagmumula ang kabuuang tatlumpung porsyento ng wheat supply ng buong mundo.
Dahil dito, tumaas ang demand at presyo ng trigo mula sa Amerika, Canada at Australia kung saan kumukuha ang Pilipinas.