Dumipensa ang United States hinggil sa kanilang ibinibigay na missiles sa Ukraine.
Ayon kay US Secretary of State, Antony Blinken, ang military assistance na kanilang ibinibigay sa Ukraine ay para mapalakas ang soberanya at maipagtanggol nito ang kanilang teritoryo sa ginagawang pananakop ng Russia.
Sinabi ni Blinken na sa kabuuang 4.6 billion pesos, ito na ang pang-11 mga armas at kagamitan na inilaan at ibinawas ng US sa kanilang imbentaryo na nagkakahalaga ng 700 million dollars.
Iginiit ni Blinken na nagtagumpay lamang ang Russia sa pamamagitan ng pagdamay sa mga sibilyan at pagsira sa mga agrikultura maging ang pagbabanta nito ng food crisis sa Ukraine.
Sa kabila nito, tiniyak ng US na handa silang mamagitan at tulungan ang Ukraine laban sa Russia.