Pansamantalang isasara sa publiko simula sa Lunes, Hunyo a-sais hanggang Hulyo a-kwatro ang National Museum of Fine Arts sa old legislative building bilang paghahanda sa inagurasyon ni President-elect Ferdinand Marcos Jr.
Ito’y ayon sa pamunuan ng National Museum, matapos ihayag ng kampo ni Marcos na ang makasaysayang gusali ang mainam na lugar para pagdausan ng panunumpa ni Marcos bilang ika-17 pangulo ng bansa.
Sinabi naman ng National Museum of the Philippines (NMP) na muli itong bubuksan sa publiko sa Hulyo a-singko.
Samantala, magpapatuloy naman ang regular operation ng National Museum of Anthropology at National Museum of Natural History.