Tiniyak ng Department of Transportation na maipagpapatuloy sa susunod na administrasyon ang mga mahahalagang proyekto na nasimulan sa road sector.
Kabilang dito ang EDSA Greenways Project, Cebu Bus Rapid Transit, Davao High Priority Bus Sytem, at EDSA Busway.
Samantala, ipinakita ng DOTr at Land Transportation Office (LTO) ang kanilang bago at modernong Road Safety Interactive Center sa LTO Main Central Office sa Quezon City.
Layon umano nitong makapagbigay ng mas malawak na impormasyon para maipaunawa sa publiko ang mga ligtas na paraan ng pagmamaneho.
Makikita sa Interactive Center ang mga driving simulators na mala-video arcade ang kagamitan kung saan maaaring mag-ensayo sa pagmamaneho ng motorsiklo at kotse na manual at automatic gamit ang virtual reality.