Malabong maging pandemic ang monkeypox virus.
Ito ay ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Maria Rosario Vergeire kung saan mismong ang World Health Organization (WHO) ang nag-anunsiyo umano nito.
Samantala, nilinaw rin ni Vergeire na ang monkeypox ay madaling maiwasan kaya walang dapat ikabahala ang publiko.
Una nang sinabi ng kagawaran na patuloy pa rin ang pagtuklas ng bakuna ng mga eksperto kontra monkeypox.
Pinapayuhan din ang mga may sintomas nito na agad na mag-isolate at magpa-konsulta sa doktor.