Nasa 631 na ang kaso ng Leptospirosis na naitala mula Enero hanggang a- 7 ng Mayo.
Inihayag ng Health Department na ang naturang bilang ay mas mataas ng 6% kumpara sa mga naiulat nuong nakaraang taon.
Nakapagtala naman mula March 13 hanggang April 30 ng mahigit 300 kung saan mas mataas ng 193% kumpara nuong nakaraang taon.
Nakitaan naman ng pagtaas ng Leptospirosis ang Cagayan Valley, Bicol Region, Western Visayas, Eastern Mindanao at Car mula April 10 hanggang May 7.
Samantala nagpaalala naman ang DOH sa publiko na iwasan ang naturang sakit sa pamamagitan ng pagiwas sa baha.