Pumalo na sa mahigit 3M ang nationwide tally ng COVID-19.
Ito’y matapos makapagtala ng 225 kung saan bahagyang tumaas ang aktibong kaso ng virus sa 2, 441 mula sa 2,334 noong Huwebes.
Nasa 117 naman ang naitalang bagong COVID-19 recoveries kung saan umakyat na sa 3, 628, 217 ang kabuuang bilang ng gumaling sa sakit.
Samantala, umakyat na sa 60,456 ang nasawi sa COVID-19 matapos madagdagan ng isa kahapon.