Tiwala si Incoming Finance Secretary Benjamin Diokno na 1 sa 10 Pilipino na lamang sa Pilipinas ang naghihirap sa 2028.
Ito ay ang taon kung saan magtatapos ang pamumuno ni President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr.
Ayon kay Diokno, magiging posible ito kung lalago ng 7% ang ekonomiya ng bansa ngayong taon at 6% pa sa mga susunod na taon.
Kapag nangyari ito, bababa na lang sa 3% ang Gross Domestic Product ratio ng bansa.
Samantala, bilang susunod na Chief ng Department of Finance at hindi rin pabor si Diokno na taasan ang buwis para makabayad sa utang ang bansa.