Pumalag si dating Azkals team captain Stephan Schröck dahil sa umano’y hindi patas na pakikitungo o bad treatment sa kanila ng mga namamahala sa Philippine national football team.
Ang pahayag ay ginawa ni Schröck sa isang post sa Facebook, bagama’t wala itong pinangalanang personalidad.
Una rito, itinalaga muli si Thomas Dooley bilang head coach ng Azkals na siya ring tumimon sa grupo noong 2018 AFC Asian Cup.
Matatandaang noong 2014 ay nagbangayan sina Dooley at Schröck na umabot pa sa social media pero nagkaayos din sila noong sumunod na taon.