Inihayag ng Department of Agriculture (DA) na malapit na umanong makamit ng bansa ang sapat na suplay ng bigas.
Ayon kay DA secretary William Dar, ito ay resulta ng pagtatanim ng mga dekalidad na hybrid at inbred rice varieties gayundin ang maayos na paggamit ng mga fertilizer.
Naging matagumpay din aniya sa nakalipas na tatlong taon ang implementasyon ng Philippine Integrated Rice Program.