Bumuo na ng Task Force ang Philippine National Police (PNP) na magtitiyak sa seguridad nang inagurasyon nina President-elect Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos Jr. at Vice President-elect Sara Duterte – Carpio.
Ayon kay PNP spokesperson Col. Jean Fajardo, pangungunahan ng Security Task Group Manila ang pagbabantay sa panunumpa ni Marcos, habang ang Task Force Security Davao ang hahawak sa seguridad ng panunumpa ni Duterte.
Tiniyak naman ng PNP na wala silang namonitor na banta sa nalalapit na inagurasyon, sa kabila ng pagsabog sa Basilan at Sultan Kudarat.
Sa Davao, ipagbabawal sa mga dadalong supporters at bisita ang pagsusuot ng jacket at pagdadala ng mga matatalas na bagay.
Sa Hunyo a-30, magaganap ang inagurasyon ni BBM sa National Museum, habang sa Hunyo 19 sa Davao City kay Sara Duterte.