Walang kinalaman sa terorismo ang naganap na pagsabog noong Biyernes sa Zamboanga del Sur, kung saan dalawang bata ang nasawi at dalawa ang nasugatan.
Ito ang tiniyak ni PRO-9, Police Major Shellami Chang, kasunod ng pangamba sa serye ng pagsabog sa Koronadal, Tacurong City at twin bombings sa Isabela City sa lalawigan ng Basilan.
Giit ni Chang, pinaglaruan lang ng dalawang bata ang rifle grenade dahilan para sumabog ito.
Ang dalawang bata ay kinilalang sina Gregorio, walong taong gulang at John Leo Soco Miro, anim na taong gulang na kapwa nasawi on-the-spot.