Dumating na ang unang batch ng Hajj Pilgrims sa Saudi Arabia mula sa bansang Indonesia na siyang kauna-unahan simula ng umusbong ang pandemyang COVID-19.
Dumaong sa lungsod ng Medina at nakatakdang maglakbay sa timog patungo sa banal na lungsod ng Mecca ang naturang grupo upang maghanda para sa Hajj sa susunod na buwan.
Malugod naman itong tinanggap ng nasabing bansa at nagbunsod upang mas maghigpit para sa taunang ritwal.
Ang Hajj ay isa sa limang haligi ng islam na dapat isagawa ng lahat ng mga muslim na may kakayahan kahit isang beses sa kanilang buhay.